Hinalik-halikan ni mister nang buong lambing ang balikat ni misis…
MISTER: Hon, sige na…
MISIS: Bumabagyo!
MISTER: Ayaw mo ‘yun, malamig?!
MISIS: Tanga! Hindi ka na nahiya?! Maraming tao dito sa evacuation center!
***
IQ TEST
#1 Magkaaway kayo ng kaibigan mo. Ano ang gagawin mo para maibalik ang dating sigla ng Mindanao ?
#2 Naiwan mo ang ID mo. Ano ang sasabihin mo sa security guard para i-add ka niya sa friendster?
#3 Sa kalagayan ng gobyerno natin ngayon, may pag-asa pa bang lumaki ang size ng pasas?
#4 Oo o hindi… ano ang nararamdaman mo ngayon?
#5 Libing ng aso mo. Eh may outing ang barkada. Ano ang una mong isusuot… pantalon o T-shirt?
NO REPLY, NO IQ!
***
“Kung hindi mo ‘ko kayang seryosohin, ngayon pa lang, itigil na natin ‘to!” – PAG-AARAL
***
Sikat na sikat na mga kamag-anak ni Bob Ong…
“Huwag kang mag-inarte kapag wala ka nang makain.” – BAGO ONG
“Hindi porke’t nabali ang isa ay babaliin mo na rin ang kabila. Hindi maitatama ng isa pang pagkakamali ang isang pagkakamali.” – TAK ONG
***
Ayon sa DOH, iwasang magsuot ng ITIM o DARK COLORED na damit dahil nag-aanyaya ang mga ito sa mga lamok na carrier ng dengue.
DATI… hilo ang lamok sa BIKINING ITIM.
NGAYON… patay ang lamok sa BIKINING NANGINGITIM.
***
BOY GAGO…
Counterpart ni Lady Gaga.
***
Ang ipis ay tunay na lalaki.
Dahil tinitilian siya ng mga babae.
***
Tuwing nag-iisa ako, alam mo ba kung sino ang nasa isip ko?
Malamang, hindi, ‘di ba?
Ang galing mo naman kung alam mo!
***
It’s so hard to wait for the right person to come, especially if the wrong one is so hot.
***
Our prime purpose in this life is to love others.
But if you can’t love them, at least, make love with them.
***
Parang LBM pag nagmahal ako sa ‘yo…
Mahirap pigilan.
***
Hindi nagbabago ang tingin ko sa tao dahil galit o natutuwa ako sa kanila…
Nag-iiba ang tingin ko sa tao dahil nag-iiba rin kung ano ang ipinapakita nila.
***
Hala! May nakita akong patay kanina sa kalsada! Grabe!
Patay na patay sa ‘kin!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment