Pinoy Jokes Collection #1

Naghihingalo ang tatay…

ANAK: Tatay, ano po ang gusto ninyo? Magpa¬libing o magpa-cremate?
TATAY: Ikaw na ang bahala, anak. I-surprise mo na lang ako.


||||||||||||||||||||||


Sa isang bus…


IGOROT: 'Yung kambing, baboy at tatlong manok ko, nakasakay na ba?
KUNDOKTOR: Opo, sir. E 'yun pong pamasahe nila?
IGOROT: Singilin mo sila kung may pera sila!

(Makalipas ang limang oras…)

IGOROT: Para na! 'Yung kambing, baboy at tatlong manok ko?
KUNDOKTOR: Bumaba sila, sir. Wala raw pamasahe.

||||||||||||||||||||||

SIR: Inday! Halika na rito! Bilis! Lumapit ka na sa akin!
INDAY: Sir, huwag po! Isusumbong ko kayo kay ma'am!
SIR: Ano naman ang isusumbong mo?
INDAY: Sasabihin ko kay ma'am na hindi kayo marunong humalik, pa¬nay yakap lang!

||||||||||||||||||||||

William: Absent ako kahapon, kasi, nakunan ang nanay ko at ako ang naiwan…
Titser: Speak English because this is an English class.
William: I was absent yesterday because my mother was subtraction and I was the remainder!

||||||||||||||||||||||

Sa tindahan ni Aling Nena…
Ely: (pasigaw) Pabili po ng SAFEGUARD!!!
Aling Nena: (galit na sumigaw rin) Huwag kang sumigaw riyan!!!.... Hindi ako binge!!!! Anong SIM CARD?! Globe o Smart?!

||||||||||||||||||||||

Martha: Mare, pwede ba, dito muna ako sa inyo? Lumayas ako sa amin. Kasi, buntis ako.
Guada: Dapat, sa taong nakabuntis sa 'yo ka pumunta!
Martha: Kaya nga rito ako pumunta, eh. Nandiyan ba si pare?

||||||||||||||||||||||

No comments:

Post a Comment